Bagong EDSA sisimulan sa 2012

ISANG bagong EDSA ang nakatakdang itayo sa hinaharap upang maibsan ang lumalalang suliranin sa trapiko sa bahaging ito ng Metro manila.

Dalawa umano ang pinag-aaralan ng DPWH na hakbang at ito ay kung “elevated” expressway ang itatayo o isang tunnel ang itutulak na proyekto.

Ayon kay DPWH Secretary Rogelio Singson, mas mura ang elevated highway kumpara sa tunnel dahil kakailanganin pa ang mga submersible pumps para sa tunnel upang hindi bahain ang mga ilalim ng daanan.

Maaari din umanong kumbinasyon ng dalawa ang gawin na proyekto kung kakayanin ng pondo na maaaring simulan sa pamamagitan ng PPP o Public Private Partnership o di kaya ay sa pamamagitan ng ODA na kaugnay ng JICA na kabalikat ng karamihan sa mga proyekto ng pamahalaan.

Tinatayang maglalaan ang pamahalaan ng P50 bilyon para sa naturang proyekto habang pinag-uusapan kung magkakaroon ng toll sa nabanggit na highway tulad ng skyway na magsisimula sa bahagi ng Roxas Boulevard hanggang Monumento sa Caloocan. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply