Bagong gobyerno sa Libya suportado ng IMF

BUO ang suporta at binigyan na ng legal na pagkilala ng  International Monetary Fund (IMF) bilang bagong gobyerno ng Libya ang National Transitional Council (NTC).

SA ipaabot na liham, ipinahayag ni IMF chief Christine Lagarde na sa kasalukuyan ay mahigit 60 mga bansa na ang kumikilala sa NTC bilang ligal  na pamahalaan matapos mapatalsik si Col. Moammar Gadhafi.

Dahil dito, inihayag ng IMF na bukas na ito para magbigay ng tulong-pinansiyal sa bagong pamahalaan ng Libya.

Inihayag din ni Lagarde na bukas ang pintuhan ng IMF para sa bagong pamahalaan kung nais nitong magpa-miyembro sa organisasyon.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply