Bagong henerasyon ng Ducati

ENGLAND, UK— Pinangalanan na ng Ducati ang bagong henerasyon ng kanilang superbike para sa taong 2012!

Unang masisilayan ang “Ducati 1199 Panigale” (Pan-ee-gah-lee) sa Esposizione Internazionale Ciclo Motociclo Accessori (EICMA), ang tanyag na motorshow sa Italia na gaganapin sa Milan ngayong Nobyembre 10-13.

Ang Panigale ay magsisilbing pagkilala ng Ducati sa lugar kung saan nagsimula ang kompanya— sa Borgo Panigale sa Bologna.

Ang Bologna ay isa sa mga lugar na bahagi ng tinaguriang ‘Motor Valley’ ng Italy dahil karamihan sa headquarters ng mga tanyag na Italian brand ng mga sasakyan at motorsiklo ay matatagpuan rito.

Bagamat ang Panigale ay isang superbike, hindi muna ito sasabak sa karera ng mga superbike sa susunod na taon. Ayon sa Ducati, magsislbi munang “testing ground” ng 1199 ang 2012 FIM (Federation Internationale de Motocyclisme) Superstock Championship at ang anumang makita nilang maaari pang ayusin sa Panigale ay siya nilang gagawin, bago ito tuluyang sumabak sa 2013 World Superbike Championship.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply