Bagong ID ibibigay ng Comelec

MAGBIBIGAY ng bagong identification cards (ID) ang Commission on Elections (Comelec) v sa mga rehistradong botante.

Ito ang kinumpirma ni Comelec spokesman James Jimenez kung saan nakapag-imprinta na sila ng nasa 24 million na ID cards.

Kasabay nito ay nanawagan ang comelec sa mga rehistradong botante na maari lamang makikipag-ugnayan sa tanggapan ng Comelec sa kanilang lugar at alamin kung handa na ang kanilang mga ID.

Ayon kay Jimenez, first time ito na mag-iisyu ang Comelec ng high-tech na ID kung saan nakapaloob ang biometrics records ng isang botante at maaring magamit sa anomang opisyal na transaksyon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply