Bagong kumbinasyon… bagong excitement!

MARAMI ang excited sa pelikulang ginagawa sa ngayon nina Kris Aquino at Dingdong Dantes na balak nilang isali sa forthcoming Metro-Manila Film Festival. Co-production venture yata ito ng GMA at ni Ms. Kris kaya super excited si Dong lalo na’t for the very first time ay tutungtong yata siya sa ABS-CBN in connection sa promo ng nasabing movie.

So far, seryosong nagda-diet daw si Kristeta lately para hindi maging alangan sa sexy body ni Dong na sagana lagi-lagi sa workout.

Well, this is a new combination at magandang tandem dahil parang na-bridge ang gap sa pagitan ng Dos at Siyete.

Ang balita pa, okay lang naman daw ito kay Marian dahil secure naman siya sa pamgamahal ni Dong at alam naman niyang ‘taken’ na si Kris.

000

NAKIKIISA si Cheryl Cosim sa programang kalusugan ng bansa. Noong nakaraang Sabado’t Linggo (Setyembre 16 at 17), ipinagdiwang ng programa ang unang hakbang ng mga Filipino para sa mas malusog na pamumuhay.

Pinagtulungang ayusin ng buong pwersa ng programa kasama si Cheryl at ang kanyang Liga ng Kalusugan—ang mga “ImbestigaDok” na sina Doc Ali Bilas at Doc Walter Laurel, fitness guru na sina coach Gelli Victor at coach Noelle De Guzman at ang resident chef na sina Chef Jeremy Favia at Chef Francis Tolentino—ang isang health center na sumasalamin sa sari-saring mukha ng kahirapan sa liblib na barangay sa Northern Samar.

Tutukan ang “Alagang Kapatid” tuwing Sabado, 6 a.m  at Linggo, 7 a.m  sa TV5

000

DI NA mapigilan ang pag-alagwa sa ratings game ng Pepito Manalotop tuwing Sunday evening pagkatapos ng Weekend Edition ng “24 Oras.’ Ayon sa datos na nagmula sa pinagkakatiwalaang TV ratings supplier na Nielsen TV Audience Measurement, noong nakaraang Linggo ay naungusan ng Pepito Manaloto ang katapat nitong programa.

Nakapagtala ang Pepito Manaloto ng household audience share na 28.8% rating habang ang kalaban nitong programa ay nakakuha lamang ng 25.6% base sa Mega Manila overnight ratings.

Samantala, dahil sa nangyaring paglubog ng mansion ni Pepito Manaloto ay mas naging conscious ito sa kalagayan ng kanyang kapaligiran.

Naisip ni Pepito na kailangang maging eco-friendly ang lahat ng mga bagay– mula sa damit, pagkain at iba pa. Ito ay hakbang upang makatulong siya sa patuloy na pagkasira ng kanyang kapaligiran.

000

PUSPUSAN na si Sen. Bong Revilla sa paggawa ng kanyang filmfest entry sa December, ang “Panday.” Magkaganunpaman, laging present siya sa taping ng “Kap’s Amazing Stories.” Dito kasi, ibang audience ang target niya. Hindi lang matanda, kundi pati mga bata.

Tungkol sa hayop, tao at iba’t ibang living things sa earth ang tinatalakay niya.

Last Sunday, tungkol sa mga hayop na nabubuhay sa forest ang ipinaalam niya sa ating lahat. Mga hindi pa natin nakikitang mga hayop sa forest ang kanyang tinalakay. Napanonood ito pagkatapos ng Pepito Manaloto show.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply