Bagong LTFRB chair bubuo ng bagong task force

BUBUO ng bagong task force ang bagong talagang chairman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na tutulong sa pagpapatupad ng batas sa transportasyon.

Kasabay nito pupulungin naman ni Chairman James Jacob ang transport sector upang makinig at alamin ang kanilang mga hinaing kaugnay sa namumuong problema sa hanay ng transportasyon.

Sinabi ni Jacob na hinihintay na lang niya si Transportation Secretary Mar Roxas upang makapanumpa na sa tungkulin para makapagsimula na sa kanyang trabaho at isa sa pangunahing tututukan niya ay ang mga colorum na sasakyan na pumipinsala sa biyahe ng mga ligal na pampasaherong sasakyan.

Ayon kay Jacob, magtatatag sila ng isang task force na bubuuin ng Land Transportation Office (LTO), Philippine National Police (PNP), Department of Justice (DOJ) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tutulong sa kanila sa pagpapatupad ng mga batas na may kinalaman sa transportasyon.

Inihahanda na lang aniya niya ang Memorandum Of Agreement (MOA) na lalagdaan ng nasabing mga ahensya at ng transportation group.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply