Bagong LTFRB chief ‘wag husgahan– Palasyo

NAKIUSAP ang Malakanyang sa transport sector na hayaan munang makapagtrabaho si bagong Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Jaime Jacob.

Sinabi ngayon (Sabado, Setyembre 3) ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte, bago magbigay ng komento ay dapat bigyan muna ng pagkakataon si Jacob na patunayan ang kakayahan.

“Bigyan muna ng pagkakataon na maka-perform ang mama,” ang pakiusap ni Usec. Valte.

Hindi pa man nakakapanumpa si Jacob ay umani na ng batikos sa transport sector dahil wala raw itong alam sa usapin ng transportasyon.

Ayon kay Valte, di naman kuwestyunable ang credentials ni Jacob at isa aniyang malaking factor na kaalyado ito ni Pangulong Aquino dahil siguradong kaisa ito sa repormang isinusulong ng Aquino government.

Sa ulat, sinasabing inirekomenda mismo ni Transportation Secretary Mar Roxas si Jacob na dating miyembro ng Presidential Anti-Graft Commission (PAGC).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply