Bagong LTO exec itinalaga na ni Roxas

PINALITAN ni Transportation Secretary Mar Roxas ang kasalukuyang Executive Director ng Land Transportation Office (LTO).

Itinalaga ni Roxas si Atty Alfonso ‘Aljun’ V. Tan, bilang bagong  executive director ng LTO kapalit ni Regidor Reyes, dating opisyal ng LTO Region 3.

Sinabi ni Roxas na ang pagbabago ng pamunuan ng LTO ay bahagi ng plano ng DOTC na higit na mapabuti ang serbisyo ng ahensiya sa pagrerehistro ng sasakyan at drivers license sa buong bansa.

Si Tan ay napili ng DOTC search committee na naatasang tingnan ang mga bagong talent upang makatulong sa bagong DOTC team na tutulong kay Roxas.

Una nang itinalaga ni Roxas si dating Presidential Anti-Graft Commission (PAGC) commissioner, Atty. James Jacob,bilang Chairman ng LTFRB kalapit ni Atty Nelson Laluces.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply