Bagong mundo

IWANAN muna natin ang paksa ng pulitika at ang walang katapusang intriga na dala nito.

Tumakas muna tayo sa magulo at pangit na mundong ito at talakayin natin ang tungkol sa mga pangyayari sa ibang daigdig.

Alam niyo ba na may 50 bagong alien planets ang natuklasan at kasalukuyang pinag-aaralan ng mga scientist gamit ang exoplanet-hunting telescope mula sa European Southern Observatory?

Ang tawag sa mga scientist na nag-aaral sa mga planeta na nasa labas ng ating solar system ay exoplanet hunters.

Lumalabas sa pag-aaral na ito ng mga siyentipiko na isa sa limampung planeta na natuklasan nila ang may potensyal na maging gaya ng planetang Earth na kung saan tayo nakatira sa kasalukuyan.

Ang planetang ito na may scientific code na HD 85512 B at kabilang sa kategorya ng super earth ang sinasabing may pinakamalaking potensyal na tumangggap at sumuporta ng buhay at puwedeng maging tirahan ng mga tao.

Umiikot ang planetang ito sa gilid ng kanyang bituin na tinatawag na habitable zone na nagpapakita ng kondisyon na maaring mabuhay ang halaman, hayop at tao roon.

Naniniwala ako na mahal ng Diyos ang tao at hindi niya hahayaan na mawala ito sa mundong ito na basta ganun na lamang kaya gumawa  ito ng iba pang mga planeta na maari nating malipatan kung sakali at tuluyan nang mapuksa ang mundo dahil na rin sa kalokohan nating mga tao.

Kaya nga naniniwala ako na totoo ang findings na ito ng mga siyentipiko na gumamit pa ng high velocity telescope na High Accuracy Radial velocity Planet Searcher instrument o mula sa La Silla Observatory sa Chile.

Ang wish ko lang kung sakali at tuluyan na ngang lumipat na ng ibang planeta ang mga tao, sana ay iwanan na nila ang ugaling masasama gaya ng pagiging makasarili, malupit, mapang-api at mapagsamantala sa mundong ito.

Mahaba pa ang bibilanging panahon bago makalipat ng ibang planeta ang tao kaya may pagkakataon pa na baguhin nila ang kanilang ugali bago sila tumira sa bagong mundo. At kung puwede iwanan na nila ang pulitika dito sa mundo. Di ba, Pareng Jess B?

Para sa inyong mga reaksyon at sumbong, tumawag at mag-text sa 09298206725 o di kaya ay mag-email sa bobbyrey1962@gmail.com at bobbyricoh@yahoo.com

(Erratum: Palakasin Ang Air Force hindi Huwag Palayain Ang Buwaya ang pamagat ng kolum na ito noong  Setyembre 13, 2011).

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply