Bagong pasanin ilalantad na sa tollways

MAAGANG inanunsyo ngayon ng Toll Regulatory Board (TRB) ang bagong toll rate na papasanin ng mga motorista na daraan sa tollways.

Ipapaskil na simula ngayong araw sa mga tollways ang bagong toll rate na ipatutupad bukas Oktubre 1, kaugnay sa simula ng implementasyon ng 12 percent Value Added Tax (VAT) sa toll.

Ayon kay Toll Regulatory Board (TRB) spokesperson Julius Corpuz, kailangan ang naturang maagang anunsyo upang mabilis na maipabatid sa mga motorista ang magiging rate adjustment.

Kabilang sa mga apektadong expressway ay ang North Luzon Expressway (NLEX), Metro Manila Skyway, Manila-Cavite Toll Expressway (Cavitex), South Luzon Expressway (SLEX), Southern Tagalog Arterial Road (STAR tollway) at Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX).

Sa mga kotse at jeepney (Class 1) na dadaan sa NLEX mula Balintawak hanggang Sta. Inez, magiging P218 na ang toll rate mula sa dating P195; magiging P544 naman ang bayad ng mga bus at truck habang P652
ang malalaking truck.

Sa elevated Skyway, ang mga kotse at jeep na galing Makati patungong Alabang ay magbabayad na ng P164 o dagdag na P20; P329 sa mga bus at maliliit na truck, habang P493 sa malalaking truck at trailer. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply