Bagong Tourism chief, iba pa nanumpa na sa tungkulin

NANUMPA na sa tungkulin ngayong araw (Lunes, Setyembre 5) si bagong Tourism Secretary Ramon Jimenez Jr. at iba pang bagong talaga sa iba’t ibang departamento ng gobyerno.

Si Jimenez, isang advertising executive ay itinalaga ni Pangulong Benigno Aquino III bilang kapalit ng nagbitiw na si Alberto Lim.

Maliban kay Jimenez, nag-oathtaking na rin kanina sa Malakanyang sina dating Bulacan Governor Josie dela Cruz bilang bagong Postmaster General at Christian Robert Lim bilang bagong Commissioner ng Commission on Elections (Comelec).

Kasama ring nanumpa ang sampu pang appointees at 19 na bagong promote na heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa harap mismo ni Pangulong Aquino.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply