Bagong tourism secretary pinangalanan

PINANGALANAN na ni Pangulong Benigno Aquino III ang bagong itinalagang kalihim ng Turismo na papalit sa puwesto ng nagbitiw na si Secretary Alberto Lim.

Sa kanyang pagharap sa media, tinukoy ni Aquino ang advertising expert na si Ramon Jimenez bilang  bagong kalihim ng Turismo sa bansa.

Umaasa ang Pangulo na mapapalago ni Jimenez ang tourism industry sa bansa sa pamamagitan ng expertise nito sa advertising.

Sinabi ng Pangulo sa mga mamamahayag ang susunod na kalihim ng Department of Tourism (DOT) ay mula sa pribadong sektor. Malaki raw ang mawawalang kita nito sa gagawing pagsama sa gobyerno.

Ang pagbibitiw ni Lim ay epektibo nitong katapusan ng buwang ng Agosto.

Naunang iniulat na kabilang sa mga pinagpilian ni Aquino na kapalit ni Lim ay sina dating Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon, dating Akbayan Party-list Rep Risa Hontiveros-Baraquel, advertising executive na si Ramon Jimenez at talent manager na si Eugenio “Boy” Abunda, Jr.

Sa magkahiwalay na panayam sa media, sinabi nina Abunda at Baraquel na hindi sila kinausap ni Aquino tungkol sa mababakanteng puwesto. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply