Baguette canapes

KATAKAM-KATAKAM bukod sa masustansiya talaga ang bidang pagkain natin ngayon, ang baguette canapes.

Kung magre-research kayo tungkol sa pagkain na ito ay talaga namang makapupulot ng sangkaterbang recipes.

Pero siyempre yakang-yakang gawan ito ng sariling version ng mga masisipag na misis out there na hindi kailangang gumastos ng mahal, basta maging resourceful lang.

Ang bagutte canapes na aking ibabahagi ay version naman ng inyong lingkod. Panalo ito tuwing meryenda time. Pero para sa mahilig kumain wala atang oras na pinipili ito, isa pa madali lang hanapin ang mga sangkap nito, kaya kahit pa pang-midnight snack ay swak ito.

Mula sa version ng recipe natin ngayon ay maaaring makalikha kayo ng sariling version.

Sangkap:
1 baguette (P65)
1 can corned tuna (P35)
6 small tomatoes (P6)
6-7 strands of onion springs (P3)
3-5 gloves of garlic (P5)
1 medium sized white onion (P5)
Cheddar cheese (ilagay ng 10 minuto sa freezer bago gamitin) (P39)

Mga dapat tandaan sa pagpili ng mga sangkap

1. Kung mga de-lata at de-kahon na produkto gaya ng tuna at keso ay kailangang tiyakin na hindi luma ang mga ito. Dapat gawin ay i-check muna ang expiration date sa kahon o sa lata, upang maiwasan na mapahamak. Kung walang expiry date ay huwag itong bilhin.

2. Sa Recipe na ito ay kailangang ng hinog na kamtis. Piliin ang mapula ngunit hindi lamog at walang itim sa balat.

3. Para naman sa onion springs, piliin ang kulay green na green. Iwasan ang mga natutuyo ng strand.

4. Tiyakin rin na bago ang baguette at hindi ito ganong matigas na animo’y parang bato. Marami namang mapagkakatiwalaang pastry o bake shop kung saan mabbili ito.

Procedure

Tiyaking lamang na nahugasang mabuti ang mga gulay at mga gagamiting kagamitan gaya ng chopping board. Ito kasi ang madalas na kinakapitan ng dumi. Payo ng mga eksperto sa kusina at kalinisan ay gumamit ng dalawang chopping board, isa para sa meat at isa para sa vegestable.

1. Hiwain ng pino ang sibuyas, bawang, kamatis at onion spring. I-set aside.

Pinapayo na ilubog ang kamatis at onion spring bago ito hiwain sa bagong kulong tubig ng may limang minuto upang matanggal ang dumi nito lalo na kung galing sa palengke.

2. Sa hiwalay na chopping board ay hiwain ang bagutte sa kapal na half inch. Sa isang mahabang baguette (ng French Baker) ay makagagawa ng 48-50 slices. Initin ito sa oven ng tatlong minuto. Tapos ay ayusin sa flat na serving plates. I-set aside.

Pwede ring mas makapal ang hiwa sa baguette kung nanaisin.

3. Igisa ang corned tuna sa bawang at sibuyas. Lagyan ng asin at paminta upang mas ma-enhance pa ang lasa. Bahagyang palamigin.

4. Kunin ang cheese sa freezer at kudkudin (shred). Mas madaling kudkurin ang keso at mas maganda ang hibla nito kung ito ay matigas, ito ang dahilan kung bakit kailangan itong ilagay sa freezer.

4. Lagyan ang bawat piraso ng baguette ng mga sangkop ayon sa pagkakasunud-sunod: tuna, kamatis, cheese at onion spring.

5. Tsibugan na. Mas swak kung ise-serve kasama ang mainit na chocolate o kaya naman ay malamig na juice.

Sa recipe na ito ay makakakain ang sampu katao na may tig-lilimang piraso.

Bongga na rin itong ipang-meryenda lalo na ngayong weekend. Subukan rin ang ibang ingredients sa recipe na ito gaya ng ham, crab sticks at iba pa.

Food trip na!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply