Bagyong Nonoy nakalabas na ng bansa

NAKALABAS na ng bansa ang bagyong Nonoy matapos saglit na dumaan sa Pilipinas kaninang hapon.

Ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dakong 4:00 ng hapon kanina namataan ang bagyong Nonoy  sa layong 1,140 kilometro ng Silangan Hilagasilangan ng Basco, Batanes o 500 kilometro ng Silangan ng Okinawa, Japan.

Sinabi ng PAGASA na si Nonoy ay may lakas ng hangin  na 65 kilometro malapit sa gitna nito hanggang 80 kilometro bawat oras.

Kumikilos si Nonoy sa Hilagakanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras.

Ang bagyong Nonoy ay inaasahang nasa  1,110 kilometro ng Hilagasilangan ng Basco, Batanes o 420 kilometro ng Silangan ng Okinawa, Japan bukas ng umaga.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply