Bagyong Nonoy pumasok na sa bansa

TULUYAN nang pumasok ngayong umaga, Setyembre 8, sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Nonoy na may international name na Kulap.

Ayon sa ulat ng Joint Typhoon Warning Center (JTWC), namataan ang naturang bagyo sa mahigit 1,000 kilometro sa silangan ng karagatang Pasipiko.

Sa kasalukuyan, umaabot ang lakas nito sa 85 kilometro kada oras at nasa kategorya bilang tropical storm.

Inaasahan ding lalakas pa ito sa susunod na mga araw lalo’t nasa gitna ng dagat.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply