Bagyong Onyok nagbabanta sa Pinas

KINUMPIRMA ni PAGASA Supervising Undersecretary Dr. Graciano Yumul ang nagbabantang pagpasok sa bansa ng ika-15 bagyo ngayong taon.

Bagamat nasa labas ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) pero kapag pumasok na ito sa bansa ay papangalanan itong Bagyong “Onyok.”

Dagdag pa ni Dr. Yumul, inaasahang makakapasok sa teritoryo ng Pilipinas ang panibagong bagyo sa Linggo na ngayon ay may 2,500 kilometers layo sa silangan sa Basco, Batanes.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply