Bagyong papasok sa ‘ber’ months sinlakas ng Ondoy

NAGBABALA sa publiko ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa publiko ngayong Setyembre dahil posible na ang pagpasok ng bagyo sa Pilipinas ay kasing kalibre ng bagyong Ondoy.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Benito Ramos, nais niyang paghandain na ang publiko habang maaga, hindi para takutin kundi para malaman ang mga gagawin sakaling magka-totoo ang kanilang babala.

“Mas mabuti na ang handa kaysa hindi para hindi na maulit ang scenario noong paghagupit sa bansa ng bagyong sina Pepeng Ondoy at ang supertypoon Milenyo, may dalawang taon na ang nakararaan.”

Matatandaang buwan ng Setyembre nang pumasok sa teritoryo ng bansa ang mga malalakas na bagyong nabanggit na nagdulot ng matinding pinsala sa agrikultura at imprastraktura.

Bukod pa roon, nag-iwan din ang mga nabanggit na bagyo ng daan-daang bangkay sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Mariing nilinaw ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na wala pa silang nakikitang anumang indikasyon na may papasok na bagyo sa bansa hanggang sa Biyernes.

Gayunpaman, iniutos na rin ng opisyal sa mga ahensya sa mga lalawigang madalas tamaan ng bagyo na pumosisyon na hangga’t maaga upang maiwasan ang mga sakunang idulot ng mga bagyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply