Bagyong Quiel bumilis– Pagasa

AYON sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) bumilis ang usad ng bagyong Quiel na ngayon ay nasa 20 kilometro kada oras sa direksyon ng kanluran.

Dahil dito inaasahan na tatama sa kalupaan ng Aparri, Cagayan ang bagyo sa Sabado ng gabi (Oktubre 1).

Inaasahan ng Pagasa na bukas (Setyembre 30) ay makapagtataas na ang ahensya ng storm signals sa Luzon.

Huling namataan ang bagyong Quiel sa layong 1,080 kilometro sa silangan ng Aparri, Cagayan.

Ito ay nagtataglay ng lakas ng hangin na umaabot sa 110 kilometro bawat oras malapit sa gitna na may pagbugso ng hangin na umaabot sa 140 kilometro kada oras.

Sinabi rin ng Pagasa na lalakas pa ang bagyo dahil nasa karagatan pa ang mata nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply