Bagyong ‘Quiel’ mas malakas pa kay ‘Pedring’

NAGKUKUMAHOG ngayon ang local government officials sa mga lalawigan ng Luzon at Metro Manila sa pagkukumpuni at paghahanda matapos salantahin ng Typhoon Pedring na kumitil na ng buhay ng 35 katao dahil sa banta ng panibagong Tropical Depression Quiel na posibleng mas malawak at mas malakas umano kumpara sa nagdaang bagyo, na ngayon ay nasa loob na ng area of responsability ng Pilipinas.

Ayon kay DOST Usec. Graciano Yumul, huling namataan ang sentro ng bagong bagyo sa 1,240 kilometro sa silangan ng Aparri, Cagayan.

Bagama’t may posibilidad pang magbago ang direksyon, malaki pa rin ang magiging epekto nito sa Luzon dahil mas magiging malakas at malawak pa ito kaysa sa bagyong Pedring.

Ayon kay Yumul, mas lantad ngayon ang mga naninirahan sa hilagang Luzon sa landslide dahil napalambot na ng nagdaang typhoon Pedring ang kalupaan, lalo na ang mga lugar na walang gaanong punong kahoy.

Kaugnay nito ay pinangangambahan ang muling pananalasa ng storm surge sa Manila Bay na sumira sa halos kalahati ng seawall sa  bahagi ng Maynila dahilan upang umakyat at pumasok sa Kamaynilaan ang tubig dagat at lumikha ng malalim na baha at magdala ng tambak na basura.

Aminado si Manila Mayor Alfredo Lim na matatagalan pa at posibeng  aabutin ng 10 araw ang clearing operation sa lungsod matapos hagupitin ng husto ni Pedring.

Dahil sa pangamabang maulit muli ang storm surge sa Manila Bay, pinasimulan na kahapon ng awtoridad ang paglalagay ng mga sandbags sa bahagi ng sea wall sa Baywalk sa Roxas Blvd., Maynila.

Ayon kay Manila City Engineer Armand Andres, ito muna ang gagamiting pananggalang sa mga malalaking alon upang hindi bumaha sa nasabing lugar habang isinasagawa ang rehabilitasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply