Bagyong ‘Quiel’ umarangkada na sa PAR

UMAARANGKADA na ngayong umaga sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong “Quiel.”

Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Usec. Graciano Yumul, huli itong namataan 1,300 kilometro sa Silangan ng Hilagang Luzon.

Ang bagyong Quiel ay may taglay na lakas ng hangin na 105 kilometro kada oras at pagbugsong 135 kilometro bawat oras.

Batay sa DOST, ang bagyong Quiel ay ika-17 na bagyong pumasok sa teritoryo ng Pilipinas mula noong Enero 2011.

Samantala tinatayang nasa 5,789 metric tons na ngayon ang nasayang na produksyon ng palay o katumbas ng P87 milyon dahil sa pananalasa ng bagyong “Pedring” sa lalawigan ng La Union.

Base sa inisyal na ulat ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAG), umaabot  sa 5,978 ektaryang palayan ang sinalanta ng bagyo sa nasabing lalawigan.

Aabot naman sa P355,000 ang halaga ng pinsala sa mga high value crops habang mahigit sa tatlong toneladang tilapia ang nawawala o katumbas ng P170,000.

Dahil din sa paghagupit ng sama ng panahon, tinatayang P100,000 naman ang nasirang agri-infrastracture.

Ayon pa sa OPAG, tataas pa ang halaga ng mga nasira ng bagyo dahil nagpapatuloy pa rin ang kanilang assessment sa buong lalawigan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply