Baha sa Bulacan lalong tumataas

PATULOY ang pagtaas ng baha sa ilang bayan ng lalawigan ng Bulacan dahil sa pagpapakawala umano ng tubig mula sa dalawang dam.

Nagbabala na ang management ng Ipo at Angat dam na magpapakawala sila ng tubig bilang paghahanda sa darating dalawa pang bagyong sina Quiel at Ramon.

Hanggang dibdib na ang tubig sa ilang bahagi ng lalawigan at patuloy itong tumataas.

Nakiusap na si Gov. Willy Alvarado sa mga administrador ng mga dams na ihinto muna ang pagpapalabas ng tubig hangga’t humupa ang tubig baha sa kanyang lalawigan.

Ayon naman kay Engr. Alex Palada, manager ng National Power Corporation’s Flood Forecasting and Warning System, kailangan talaga nilang magpakawala ng tubig dahil sa paparating na mga bagyo.

Nilinaw din ni Palada na hindi ang kanilang pagpapakawala ng tubig ang numero unong dahilan ng pagbaha sa Bulacan bagkus ay sa dami ng ulan na ibinagsak ng bagyong Pedring na siyang nag-paapaw sa mga ilog.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply