Bahay nasunog sa Davao, may-ari tusta

NASAWI ang mismong may-ari ng bahay matapos itong matupok ng apoy kaninang madaling-araw, Setyembre 16, sa kasagsagan nang malakas na ulan.

Nabatid na hindi na nagawang makalabas ng bahay si Antonio Bacalso, 73, ng Purok 8, Catalunan Pequiño, Mintal, Davao City makaraang masunog ang kanyang tahanan bandang alas-12:00 ng madaling-araw.

Base sa pahayag ni Bernadeth Marcos, kasambahay ng biktima, nagising na lamang siya sa mga narinig na sunud-sunod na putok sa loob ng kwarto ng kanyang amo na nasa pangalawang palapag ng bahay ngunit makapal na ang usok kaya nahirapan na siyang makapasok.

Nagawang makatakas ni Marcos at saka humingi ng tulong sa mga kapitbahay.

Halos dalawang oras din bago naapula ang sunog kung saan natagpuan ang bangkay ni Bacalso sa loob ng comfort room.

Tinatayang umabot sa P3 milyon ang iniwang danyos ng sunog na electrical short circuit ang itinuturong dahilan ng pagkakatupok nito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply