Bakbakan ng 12 team sa 2nd PBA D-League

HIGIT na maaasahan ang mas masiglang pangalawang torneo ng PBA Developmental League na nakatakdang ilunsad sa Oktubre 22.

Ito ay ayon kay Commissioner Butch Maniego na inaasahang 12 team na kumpirmadong lalaro sa liga kumpara sa unang konperensiya na inilunsad noong Marso bilang kahalili ng Philippine Basketball League (PBL).

Pangungunahan ng North Luzon Expressway (NLEX) na tinanghal na kampeon noong unang season. Makakasama ng NLEX ang Max Bond, Cebuana Lhuillier, PC Gilmore, Pharex, Blackwater, Café France, Pacific Pipes, Cobra Energy Drink.

Dalawang bagong team DUB Unlimited at First East Asia Realty ang pang-10 at pang-11 na bubuo sa komposisyon ng liga. Ang pang-12 na koponan na pinalugitan ni Maniego hanggang Biyernes ay ika-12 team na bubuo sa liga.

Ito ay ang SM Development Corporation na kakatawanin ng mga manlalaro ng University Bulldogs sa pangunguna ni Bobby Ray Parks.

Ilang manlalaro na nagsanay sa PBA D-League na nakapasok sa regular na PBA ay sina Paul Lee, Reil Cervantes, James Martinez, Gilbert Bulawan at Eric Salamat.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply