Bakit DOTC at hindi DOE ang pumapapel?

‘DI natin madaling ma-gets kung ano ang ibig sabihin ng pangunguna ng Department of Transportation and Communications sa pagresolba sa ilang masasamang sitwasyon sa industriya ng langis.

Kabilang sa mga pinaniniwalaang masamang kalagayan ang pag-akto umano ng mga kompanya ng langis na parang kartel.

Sa kartel, Suki, ol por wan en wan por ol ang nagaganap.

Pero hindi basta ganito ang nagaganap.

Kapag nag-oil price hike o nagtaas ng presyo ang mga kompanya ng langis, abot-langit.

Kung magbaba naman sila, konsuwelo de bobo lang.

Kaya sa parte lalo na ng big 3 na Petron, Shell at Chevron, laging nasa top 10 korporasyon sa buong bansa ang mga ito na may halaga ng kita na halos nasa P300 bilyon taon-taon ang bawat isa sa kanila.

Derpor dambuhala rin ang kanilang kita, Suki.

oOo

Ang sabi ni Mr. Perhuwisyo, este, Mr. Palengke, pangungunahan nito ang pag-silip sa kilos ng mga kompanyang langis kung may kartel ang mga ito o hindi.

Isasama umano nito sa gawain ang Department of Energy at iba pang ahensiya ng pamahalaan na makatutulong nito.

Siguro, naiisip ni Mr. Perhuwisyo, este, Mr. Palengke, na bumawi sa negatib na imahe nito sa pagsasabing perhuwisyo ang mga nagsitigil-pasada kamakalawa.

Pero maaaring natanim din sa isip nito na ang tunay ngang perhuwisyo ay ang mga kompanya ng langis na hindi pa nito nagagawang komprontahin at sabihan ng “perhuwisyo.”

Kung hindi nga naman siya kikilos, mananatiling siya ang bubuligligin ng mga tigil-pasada na sakop ng kanyang trabaho.

Ang sama nga namang tingnan na napeperhuwisyo siya dahil sa kainutilan ng mga taga-DOE sa paghaplit sa mga kompanya ng langis.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply