Bakit negatib zero ang grado ni PNoy sa media?

talaga si Pangulong Noynoy.

Akalain ba nating sa Tsina pa nagreklamo sa pagtrato ng mga batang media sa kanyang matuwid na landas sa pamamahala.

Yung mga magagandang balita umano ay minamasama at yung hindi magaganda ay lalong pinalalabas na pangit.

Para sa atin, buo ang karapatan ni PNoy na magreklamo.

At may basehan din siya gaya sa problema sa dengue.

Kaya lang, kung kikiluhin ang kanyang mga reklamo ay kulang na kulang sa timbang.

oOo

Alam ba ninyo, mahal na Pangulo, ang hinahanap ni Juan sa inyo?

Heto. Trabaho, pero hindi basta trabaho.

Dapat yung magtagal, kung maaari sana ay layptaym at may sapat na kapalit.

Ano ang katotohanan?

Puro kontraktuwal na ang nahahanap niyang trabaho na may kakarampot na pasahod, Suki.

Zero, hindi lang light at regular, Suki, ang rekord ni PNoy at ang kanyang tsuwariwap laban sa kontrak-tuwalisasyon.

Kung Zero sila sa empleyo, mas lalong Zero ang grado nila sa problema sa langis, kuryente, tubig, toll sa mga haywey at presyo ng mga bilihin. Pero hindi lang Zero ang grado nila rito, Suki, kundi negatib Zero.

Aba, sobrang mahal na ang langis, kuryente, tubig, toll at presyo ng mga bilihin.

Kung isasama mo lahat ng ito sa kontraktuwalisasyon, anong maganda ang maiuulat ng mga batang media sa bayan, huh?

Eh kung isama pa yang problema sa Hacienda Luisita na siyang larawan ng beri pur na buhay ni Juan, di lalong yari si PNoy?

oOo

Ang mabuti pa, mahal na Pangulo, huwag po kayong maging reklamador.

Gawan ninyo ng remedyo ang nasabing mga problema at tiyak na di kayo mase-Zero sa media.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply