Bala ni Sotto vs RH Bill sinalag ni Sen. Pia

HINDI na kaagad pinaporma ni Sen. Pia Cayetano ang pamumustura ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III sa pangdedemonyo sa Reproductive Health Bill sa pamamagitan ng paninira sa mga organisasyong sumusuporta sa panukala.

Natuklasan sa Senate Journal nitong Miyerkules hinggil sa mainitang debate ng dalawang senador sa RH Bill, nakitang hindi nakaporma si Sotto sa pagbatikos sa Family Planning Organization of the Philippines (FPOP), isa sa NGOs na sumusuporta sa panukala.

Sa naturang interpelasyon, hindi tinanggap ni Cayetano ang character assassination ni Sotto sa FPOP upang demonyohin ang RH bill sa pagpapakitang pro-abortion ang mga NGOs na sumusuporta rito.

“One of the tactics being employed by Sotto, foremost critic in the upper chamber, to demonize the measure is by unfairly portraying certain non-government organization supporting the bills as “pro-abortion,” ayon kay Cayetano.

Ipinakikita ni Sotto sa kanyang power point presentation nitong Miyerkules na sangkot  ang FPOP sa abortion dahil itinataguyod ng kanilang mother organization, ang International Planned Parenthood Federation (IPPF), ang legal abortion.

“The links that I am about to show to the sponsor would prove that the Family Planning Organization of the Philippines supports abortion in this country despite being illegal and prohibited by no other than the highest law of the land — the Constitution,” ayon kay Sotto.

Sinabi pa ni Sotto na kapag binuksan ang website ng FPOP, makikita ang iba’t-ibang tab na mag-uugnay sa brochures ng ilang organisasyon na sumusuporta o nagbibigay ng legal abortion. “And under a subtopic ‘Medical Methods,’ we will be surprised to discover how this brochure will thoroughly discuss the methods of abortion by weeks of pregnancy.”

Ngunit, biglang sumabad si Cayetano upang linawin ang tinutukoy ni Sotto dahil hindi na website ng FPOP ang inilalarawan ng host ng Eat Bulaga, kundi ang parent organization nito, ang IPPF, isang global network ng mga organissyon sa mahigit 170 bansa na nakabase sa London, na nangangampanya sa karapatang sexual at reproductive health care.

“Mr. President, just to clarify, the last link I saw was the link of the ‘international federation.’ Just to clarify, so we do not get confused. That one or two slides before that was the site of the international federation [IPPF], not the local [FPOP],” ayon kay Cayetano.

“Yes, that is the link, their link from the FPOP, Mr. President,” inamin ni Sotto.

“But the site that mentions abortion is the site of the international federation, IPPF na po iyon, hindi na sa FPOP,” tugon ni Cayetano.

Ipinaliwanag pa ni Cayetano na hindi naman pinasusubalian ng mga organisasyon sa Pilipinas na mayroon silang parent organization sa abroad na nagtataguyod ng abortion sa mga bansang legal ang abortion.

Ngunit biglang kumambiyo si Sotto sa pagsasabing “Anyway, allow me to continue, Mr. President. Because may kasabihan tayo (we have a saying), ‘Tell me who your friends are, and I will tell you who you are.”

Nilinaw pa ni Cayetano na hindi nangangahulugan na gagawing legal ang abortion sa bansa sa pamamagitan lamang ng suportang nakukuha ng panukala sa mga organisasyon na may parent organization na sumusuporta sa abortion.

“Let me also comment. What I understand from the local organization [FPOP] is that they have many common objectives with these [international] organizations, including access to contraceptives [and] access to family planning. However, because of the fact that one of the methodologies, which is abortion, is not available in the Philippines, is not legal, then they cannot and they do not support this. This is my understanding. I will not belabor the point because it is what it is,” paliwanag ni Cayetano. Ernie Reyes

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply