Bali Hotel sa Iloilo hinagisan ng bomba

INAALAM pa ng awtoridad ang motibo sa naganap na pagpapasabog sa isang hotel sa Iloilo kaninang madaling araw, Setyembre 5.

Sa insidente, nasira ang dalawang stock room ng Bali Hotel sa General Hughes Iloilo matapos itong hagisan ng hindi pa batid na uri ng pampasabog  kaninang pasado alas-4:00 ng madaling araw.

Maliban sa nasirang stock room at nabasag na mga salamin,  wala namang iniulat ang awtoridad na nasaktan sa pagsabog.

Nabatid na ang bagong gawang Bali Hotel ay hindi pa nag-o-operate dahil sa kabiguang makakuha ng mga kaukulang permit ng may-ari na kinilalang si Romel Yñon.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang motibo ng pagpapasabog sa hotel at kung ito ba ay may kaugnayan sa hinihinging revolutionary tax ng makakaliwang grupo. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply