Balik sa dating ka-cheap-ang gawi si Nora Aunor! (Bago?)

ISANG taong malapit sa superstar ang naging dahilan kaya pinaalis ni Nora Aunor si Pilar Mateo na dating malapit sa kanya. Ginamit pa si Lala Aunor ni Guy upang paalisin si Pilarsky na nagulat siyempre kung bakit at anong dahilan at tinigbak siya.

Sumagi sa isipan ni Plarski kung sino ang may pakana at gumawa nito, na siya ring nagpaalis kay Lala eventually. Ang tampo lang nila, dapat daw ay personal silang kinausap ng aktres. Akala pa naman daw nila’y matino na ito pero mukhang bumabalik yata ang dating ugali nitong kung sino man ang kanyang bagong makakasama’y agad nyang pinaniniwalaan.

Dati-rati, ‘yan din ang nakasira sa kanyang career noon. Ang mga taung nakadikit sa kanya, isang bulong o salita lang, kaagad siyang napaniniwala.

Kilala namin ang taong ito na ubod nang kaplastikan.

Sa kanyang maamong mukha, aakalain mong ubod ito ng bait pero pagtalikod mo’y sinasaksak ka na pala. Feeling sikat e laondya (laos) na. Parang hindi siya ang tipong makatutulong sa career ng Superstar.

***

SA WAKAS, mapanonood na ang “Show Up,” “Ang Bagong Game Show ng Bayan” sa Destiny Cable Channel Number 5, 9-11-am every saturday. Limpak-limpak na pera at pa-premyo ang ipamimigay na labis na kinatutuwa ng mga taong patuloy na sumusubaybay rito.

Siyempre mayroon ding nalulungkot dahil wala na si Barbie bilang host. Pinalitan siya ni Sir Jirah, ang Bagong Best friend ng bayan. Nalulungkot man si Barbie sa pagkawala niya sa programa at gustuhin man nyang manatili rito, kailangang iwan talaga niya ito at nang mapagtoonan niya nang pansin ang kanilang family business. Patuloy pa rin naman ang kanyang pagsuporta sa Show Up.

Makikita ninyo ang mga bagong games at iikot sila sa iba’t ibang lugar kasama ang mga hosts na sina Sir Jirah, Miko Aytona, Samantha Lopez, at Chavilita Booba. Pinakikilala rin ang bagong talent ng programa ang StarCade na si Jade Benedict Alpara at Carl John. Sila ang bagong tuklas na kabataan rito.

Produce ito by Meteor entertainment production.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply