Balisa si Hayden Kho II ng QCPD sa kanyang sex video

BALISA ngayon ang isang mataas na opisyal ng Quezon City Police District (QCPD) nang pumutok dito sa Lily’s Files Column natin na ginagawa nitong “motel” ang QCPD Headquarters.

Ayon sa ating mga source,  ang nasabing opisyal ay nakatakda umanong paimbestigahan sa tanggapan ng NAPOLCOM at sa Kampo Crame dahil sa nasabing isyu.

Sinasabing ang mataas na opisyal na ito ay pinupuntahan ng kanyang “chika babes” sa  kanyang tanggapan bandang  hapon at doon ay magro-”rosaryo” raw ang dalawa sa loob ng private room ni Sir.

Nagtataka ang maraming pulis kung bakit parating pumupunta sa opisina ni Sir itong chika babes na ito na sinasabing anak ng isang retired na pulis.

Ayon pa rin sa ating sources, itong si Sir na tinatawag ngayong Hayden Kho ng QCPD ay isang biyudo na ngunit  mayroon itong “girlfriend” na isang doktora maliban sa kanyang chika babes.

Sinasabing ang pakikipagtalik umano ni Sir sa anak ng dating pulis ay siya mismo ang kumuha ng video katulad din ng ginawa ni Hayden Kho.

Ang nasabing camera na ginamit ni Sir sa pagkuha ng kanilang sex video ay nadala umano nito sa bahay ng kanyang girlfriend na isang doktora.

Nang umalis si Sir sa bahay ng doktora ay nakalimutan nito ang nasabing camera.

Laking gulat ng doktora nang makita ang nasabing sex video ng kanyang nobyong opisyal at ng chika babes nito.

Nang pumutok sa Lily’ Files ang nasabing isyu ay kumalat na ang video hindi lang sa QCPD kundi maging sa Kampo Crame at NAPOLCOM.

Galit na galit daw si Sir sa kanyang nobyang doktora na umano’y pinanggalingan ng nasabing video.

At dahil dito ay maraming natanggap na tawag at text ang inyong lingkod na humihingi ng kopya ng nasabing sex video.

Gusto ko lang pong linawin sa lahat na hindi ako ang nag-iingat ng sex video ni Sir at ng kanyang chika babes.

Ngayong kalat na kalat na ang nasabing sex video ay marami ang nagsasabing sana ay umalis na sa QCPD si alyas Hayden Kho ll at baka sakaling  maalis na rin ang kamalasan ng command na dala-dala nito.

Balisang balisa raw ngayon itong si Sir  lalo na ngayong kalat na kalat na ang sex video nila  sa Kampo Crame.

Parati raw mainit ang ulo ni sir at ang pinagbubuntunan ay ang kanyang mga staff.

Galit na galit din daw itong si alyas Hayden Kho ll sa Lily’s Files lalo na sa inyong lingkod dahil sa pagkakalathala sa nasabing iskandalo sa loob mismo ng QCPD Headquarter sa Kampo Karingal.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply