Balo todas sa mga tripper sa Maynila

PATAY ang 36-anyos na balo matapos pagsasaksakin ng hinihinalang tripper habang bumibili sa isang tindahan sa Port Area, Maynila kagabi.

Namatay habang ginagamot sa Gat Andres Bonifacio Hospital si Jhonifer Batilan, tubong Zambales ng MH Del Pilar St., Malate, Maynila sanhi ng tama ng saksak sa katawan.

Inaalam naman ang pagkakakilanlan sa mga suspek na tumakas matapos ang insidente.

Sa report, 7:20 kagabi nang naganap ang insidente sa Block 1 Baseco Compound, Port Area, Manila

Nabatid na nakikipag-inuman ang biktima sa isang Jie Baguio at iba pang barkada sa bahay ng isang Reynado Teneso.

Nang lumabas ang biktima upang bumili sa tindahan malapit sa lugar ay hindi na ito nakabalik nang pagsasaksakin ng hindi nakilalang mga suspek.

Hinala ng pulisya na nakursunadahan ang biktima habang bumibili sa tindahan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply