Bangka lumubog sa West PHL Sea: 3 ligtas, 15 nawawala

NAILIGTAS ang tatlo katao habang 15 ang nawawala pa makaraang lumubog ang sinasakyan nilang bangkang pangisda sa karagatang sakop ng West Philippine Sea.

Nabatid kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Lt. Commander Algier Ricafrente, sakay ng FBCA Antonio 23 ang 18 biktima na nangingisda sa bahagi ng Payaw Artificial Reef nang hampasin ng malalaking alon ang kanilang bangka at pasukin ng tubig.

Nagdeklara ng abandon ship ang kapitan ng bangka bago ito tuluyang lumubog.

Samantala, mapalad na nailigtas ng nagdaraang MTSL Mahogany ang tatlo na kinilalang sina Roger Irinco, Norman Dipas at Luisito Ramos, mga residente ng Barangay Camaya, Mariveles, Bataan sa bahagi ng La Monha Island na kaagad ipinasa sa PCG.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply