Bangkay na hinukay, ninakawan at ginahasa

INAALAM na ng awtoridad  kung hinalay pa ang bangkay ng dating Overseas Filipino Worker na hinukay at hinubaran ng mamahaling alahas ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Camarines Sur,  sa ulat ng pulisya kanina.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, palaisipan ngayon sa awtoridad kung sino ang nasa likod ng pagnanakaw at panggagahasa sa hinukay na bangkay ni Gregoria Goyeta, 55, ng Masoli bayan ng Bato.

Nabatid na idinulog ng isang Barangay Kagawad na si Edgar Santillan ang insidente Batao Municipal Police Station hinggil sa nasabing bangkay na napag-alamang inilibing lamang nitong nakalipas na Setyembre 5, 2011.

Sa ulat ni deputy chief Insp. Van Layosa ng PNP Bato, nakita ang nabanggit na bangkay na nasa 15 metro na mula sa kanyang pinaglibingan.

Lumalabas sa imbestigasyon na ninakaw ang suot na hikaw at kuwintas ng patay na biktima habang wala na rin umano itong underwear na suot. Dahilan upang  paghinalaan  na ginahasa din ito ng mga suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply