Bangkay ng kelot inilagay sa banyera

MISTULANG malaking isda ang ginawa sa bangkay ng isang lalaki matapos patayin at ilagay sa banyera sa Navotas, kaninang umaga.

Kinilala ang biktima na si Noli Villain, ng R-10, North Bay Boulevard South, nasabing lungsod.

Sa ulat, dakong 9 ng umaga nang makita ang bangkay ng biktima na nakalagay sa banyera at iniwan sa bakanteng lote sa Market 3, Consignation Fish Port.

Nakagapos ang kamay ng biktima at may tama ng bala sa ulo na sinasabing sinalvage.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply