Bangkay ng nawawalang mountainer, natagpuan na

NATAGPUAN na ang bangkay ng nawawalang mountainer na si Adrian Alba, 25, residente ng Barangay Rizal, Makati City sa Barangay San Rafael, Rodriguez, Rizal.

Sabado pa nang mawala ang biktima matapos itong tangayin ng tubig sa Montalban River.

Ayon kay Supt. Rommel Estolano, hepe ng PNP Rodriguez, Rizal, si Alba ay kabilang sa 23 mountainers na humingi ng permiso sa local tourism official para sa kanilang basic mountaineering course sa Wawa Dam. Subalit ang mga ito ay lumagpas sa dapat nilang puntahan na hindi humingi ng pahintulot sa mga awtoridad.

Natagpuang ang bangkay ng biktima limang kilometro ang layo kung saan huli siyang nakita.

Nakikipag-ugnayan na ang pulisya sa mga kaanak ng biktima bago nila ma-autopsy ang bangkay ni Alba. Sa pamamagitan umano ng autopsy, malalaman kung walang foul play na nangyari sa pagkamatay ng biktima.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply