Bangkay ng sanggol isinilid ng ina sa kahon

NAGULANTANG ang mga tao partikular ang mga opisyal ng barangay makaraang matagpuan ang isang bangkay ng isang sanggol na lalaki sa loob ng isang kahon sa Barangay 110 Scandinavian San Roque, Tacloban City.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, isang 16-taong gulang na residente ng naturang lugar ang nagsilang ng 7-buwang sanggol sa Eastern Visayas Regional Medical Center subalit namatay. Nagpasya umano ang ina na ilagay na lamang sa isang kahon ang bangkay ng bata at inilibing sa tabi ng kanal dahil sa wala umano silang pera para tustusan ang pagpapalibing ng anak.

Ipinangako naman ng mga lokal ng opisyal ng barangay na sila na ang bahala sa gastos sa pagpapalibing ng bata para mabigyan ito ng disenteng paghihimlay.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply