Banta ng VACC pinalagan ng Malakanyang

PINALAGAN ng Malakanyang ang babala ng anti-crime group na posibleng umatras ang mga testigo sa corruption cases kapag inalis sa pangangalaga ng witness protection program (WPP) ng pamahalaan.

Sinabi ni Deputy presidential spokesperson Atty. Abigail Valte na pinalawig na ng gobyerno ang witness protection program kabilang na ang whistleblowers sa graft cases.

“On the contrary, I think kung maalala ninyo ang sa ilalim ng pamahalaang Aquino, nag-extend ang witness protection program for whistleblowers. Tinaasan natin ang budget nito,” ang pahayag ni  Usec. Valte.

Tinuran pa rin nito na bago pa alisin ang isang testigo sa WPP ay kailangan munang dumaan sa masusing pag-aaral ng Department of Justice (DoJ).

Nauna rito, nanawagan ang Volunteers Against Crime and Corruption sa pamahalaan na magdahan-dahan sa pagtatanggal ng mga testigo gaya nina dating  police Superintendent Cezar Mancao II at Mary “Rosebud” Ong mula sa witness protection program.

Kumbinsido naman si Ong na may kinalaman si Senador Panfilo Lacson sa pagkaka-alis niya sa WPP.

Matatandaang noong 2001 ay inakusahan ni Ong si Senador  Lacson na sangkot sa drug trafficking, kidnapping for ransom at summary execution na pinabulaanan naman ng senador.

Samantala, tiniyak naman ni Usec. Valte na hindi pinapayagan ang mga testigo na basta na lamang abandonahin ang WPP.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply