Banta ni Marquez kay Pacman: Humanda ka!

NANGAKO si World Boxing Organization at World Boxing Association lightweight champion Juan Manuel “Dinamita” Marquez na bibigyan ng magandang laban si Pambansang Kamao Manny “Pacman” Pacquiao sa paghaharap nila sa Nobyembre 13, 2011 sa Las Vegas, Nevada.

Binitiwan ng Mehikanong boksingero ang bantang ito kanina (Huwebes, Setyembre 1) nang dumalaw siya sa Manila City Hall.

Pinaghahandaan nang husto umano ni Marquez ang labang ito dahil napakahalaga nito sa kanyang buhay.

Sa ginanap na press conference ay inamin ni Marquez na alam niyang dehado siya sa laban kaya wala siyang inaaksayang panahon sa pag-eensayo.

Katunayan umano ay nag-jogging siya agad matapos lumapag ang sinakyang eroplano ng Philippine Airlines (Pal) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Matapos ang  ginanap na groundbreaking ceremony para sa itatayong Sanctuary for Women and Children sa compound ng Hospicio de San Jose ay nag-courtesy call na si Marquez kay Manila Mayor Alfredo S. Lim.

Ayon kay Lim, bahagi lamang ito promotional tour para sa laban nina Filipino boxing icon at Marquez.

Kasama ni  Marquez sa pagdalaw kay Lim ay sina Top Rank Promotions president Bob Arum at Hall of Famer trainer Nacho Beristain, Wilson Cheng ng Solar Sports at ang Ilocos Sur Gov. Chavit Singson, kilalang tagasuporta ni Pacman.

Inaasahan din ang pagbisita nito sa Mexican embassy sa Maynila para sa isa pang courtesy call sa embahador ng kanyang bansa.

Kaugnay nito ay inanyayahan nina Marquez at Arum ang lahat ng kasapi ng media na dumalo sa gaganaping joint press conference ng dalawang magkatunggali sa Quirino Grandstand sa Luneta sa darating na Sabado.

Samantala, inihayag ni Arum na ngayon pa lamang ay “sold out” na ang mga tiket para sa Paquiao-Marquez fight.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply