Banyagang nagpupunta sa PHL di sex ang hanap– Palasyo

PINALAGAN ng Malakanyang ang sinabi ni US Ambassador Harry Thomas na 40 porsiyento 0 apat sa sampung banyagang nagpupunta sa bansa ay naghahanap ng sex.

Pinabulaanan ito ng Malakanyang at sinabi na mahigpit umano ang kampanya ng bansa laban sa human trafficking.

Sinabi pa ng Palasyo na batay sa talaan ng Department of Tourism, ang mga banyaga ay nagpupunta sa bansa upang maglibang tulad ng pagbi-beach, pagsa-shopping, sight-seeing  at iba pa.

Ipinahayag din ng Malakanyang na kung wala namang magandang hangarin ang mga turista sa pagparito ay mabuting huwag na silang bumisita sa bansa ngunit welcome naman ang mga ito sa malinis at masayang aktibidad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply