Barangay Ginebra, Shopinas Clickers magsasalpukan sa inaugural game

BILANG pasinaya sa 2011-2012 PBA Philippine Cup sa Oktubre 2 maagang salpukan sa pagitan ng crowd darling Barangay Ginebra at ng bagong anyong Shopinas Clickers ang handog ng PBA sa Smart Araneta Coliseum.

Magsisimula ang laro alas -6:00 ng gabi kasunod ng makulay na opening ceremonies alas-4:00 ng hapon, kung saan matutunghayan ang mga naggagandahang team muses at mga manlalaro ng bagong komperensiya ng professional basketball league.

Ipaparada ni coach Franz Pumaren sina Jojo Duncil, Renren Ritualo, Paolo Hubalde at rookie draft picks na sina Mark Barroca, Magi Sison, Marc Cagoco at Lordy Tugade.

Sa panig ng Ginebra, sina off-guard Mark Caguioa, Yancy de Ocampo, Enrico Villanueva, Eric Menk, Ronald Tubid at Jayjay Helterbrand ang sasamahan ng dalawang rookie na sina Reil Cervantes at James Martinez na nakapag-ensayo na rin ng ilang araw sa paggagabay nina coach Siot Tanquincen at Jong Uichico.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply