Barbero na dating hitman arestado

HITMAN dati, barbero na ngayon, ang nais palabasin ng isang suspek na matagal ng nagtatago sa batas sa pagpatay sa isang assistant prosecutor noong 2009.

Kahit nagbago ng trabaho, anyo, nagpakulay ng buhok, nagpaputi pa ng kutis ay hindi nakaligtas ang suspek na si Lyndon Hurandoy, 28, sa matitinik na operatiba ng Cebu City PNP at Criminal Investigation Division Group at naaresto ito sa isang salon kung saan nagtatrabaho ang suspek bilang barbero sa barangay Guba.

Si Hurandoy ay inaresto sa bisa ng warrant na inisyu ng Cebu City Regional Trial Court Judge Silvestre Maamo,ilang araw matapos mapatay si asst. prosecutor Patrick Bryan Osorio noong Enero 6,2009. Si Osorio ay inambush ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo habang sakay ng kanyang van para sunduin umano ang kanyang mga anak sa paaralan nito.

Ang unang suspek na nahuli ng mga awtoridad noong Hulyo 2009 ay si Allan Senogat na sinasabi ng pulisya na siyang nagmamaneho ng motorsklo habang si Hurandoy ang siyang bumaril kay Osorio.

Nang tanungin si Hurandoy ay tinaggi nito ang akusasyon at kabaligtaran ng pahayag , siya umano ang nagmamaneho at itinuro si Senogat na siyang bumaril sa biktima.

Nangako umano si Senogat sa kanya na babayaran siya ng P5,000 sa kanilang lakad subalit P200 lamang ang kanyang natanggap.

Ayon sa pulisya, nagpalipat-lipat umano si Hurandoy ng tirahan matapos ang krimen mula Barile ay nagtungo ito sa lalawigan ng Bohol, sa barangay Guadalupe at sa barangay Guba kung saan siya natunton ng mga pulis. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply