Barko sinunog ng pirata: 25 tripulanteng Pinoy ligtas sa Kenya

NAKALIGTAS ang may 25 tripulanteng Pinoy makaraang sunugin ng mga pirata ang barkong kanilang sinasakyan sa karagatang bahagi ng Kenya.

Batay sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA), ligtas na ang mga Pinoy at kasalukuyang nasa Mombasa, Kenya na ang mga ito makaraang salakayin ang MV Pacific Express ng mga armadong pirata noong nakaraang Linggo.

Kaagad namang nakapagpadala ng distress call ang kapitan ng barko upang makaresponde ang Navy vessel at makapagsagawa ng rescue operations.

Agad ding tumakas ang mga pirata nang makitang paparating ang Navy ship.

Kaugnay nito, inatasan ng DFA Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs ang Embahada ng Pilipinas sa Nairobi na tulungan ang mga nabanggit na Pinoy dahil kasamang nasunog ang kanilang pasaporte at seamen’s book.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply