Barko sumadsad sa Mindoro

SUMADSAD ang barkong MV Baleno 3 sa Abra de Ilog sa Occidental Mindoro na bibiyahe sana patungong Batangas kagabi, Agosto 31.

Base sa report ng dzMM, bibyahe na sana ang barko patungong Batangas pero hindi nakayanan ang sobrang lakas ng hangin at alon kaya sumadsad pabalik sa pier bandang 8:00 kagabi.

Nabatid na sa barko na nagpalipas ng magdamag ang 24 pasahero dahil hirap ang Philippine Coast Guard (PCG) na makapaglikas bunsod ng sobrang dilim ang lugar, malakas na ulan at alon bukod pa sa delikado ang matatalim na bato sa ilalim ng dagat.

Umaga na nang maialis ang mga pasahero at mga kargamento.

Itinanggi naman ng PCG na lasing ang kapitan ng barko kung kaya nangyari ang aksidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply