Bartolome naiyak sa bagong posisyon sa PNP

NAGING emosyonal si Police Director General Nicanor Ancheta Bartolome sa kanyang acceptance speech nang isalin sa kanya ni Police Director General Raul Bacalzo ang pagiging hepe ng pambansang pulisya.

Literal na tumulo ang luha ng heneral nang alalahanin sa kanyang talumpati ang mga dating “boss” na nagsilbing inspirasyon upang makamit ang pinakamataas na posisyon na pangarap ng bawat miyembro ng PNP.

Bagama’t sa Setyembre 15 pa ang pagreretiro ni Bacalzo, kanina ay pormal na nitong ipinasa kay Bartolome ang tungkulin bilang PNP chief.

Nangako si Bartolome na hindi magdadalawang isip na sibakin ang mga magkakasalang pulis, habang gantimpala naman ang naghihintay para sa mga pulis na magiging tapat sa serbisyo.

Unang direktiba naman ni Pangulong Noynoy Aquino kay Bartolome ang paglipol sa mga kidnapper, carjackers at iba pang criminal groups.

Ipinag-utos din ng Pangulo kay Bartolome na ipagpatuloy ang mga repormang sinimulan ni Bacalzo.

Sa talumpati ni Bacalzo, sinabi nito na buo ang kanyang kumpiyansa kay Bartolome na ipagpapatuloy nito ang mga sinimulan niya sa institusyon.

Kabilang anya sa mga ito ang imbestigasyon sa ilang anomalya sa PNP;  increase sa Christmas Bonus at combat pay ng mga pulis; zero backlog sa mga kaso at pagpapalakas sa police capabilities.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply