Bartolome susunod na PNP chief?

MALAKAS ang ugong na ang susunod na hahali bilang hepe ng Philippine National Police si Deputy Director General Nicanor Bartolome sa oras na magretiro si PNP Director General Raul Bacalzo sa Setyembre 9.

Ayon sa isang mataas na opisyal na tumangging ipabanggit ang kanyang pangalan, lahat na umano ng preparasyon para sa pagtatalaga kay Bartolome ay isinasagawa na at hinihintay na lamang ang pormal na pahayag ng Malakanyang.

Si Bartolome na nasa ika-apat na mataas na posisyon sa PNP bilang hepe ng Directorial Staff ay inaasahan ng maraming opisyal na makakakuha sa posisyon upang pamunuan ang 140,000 miyembro ng PNP.

Lalo umanong lumakas ang ugong na si Bartolome ang mauupo bilang susunod na hepe ng PNP nang pansamantala itong naging OIC bilang PNP chief noong isang buwan nang magtungo si Director Bacalzo sa abroad para sa opisyal na biyahe.

Dalawa pang 3-star general sa PNP ang may pag-asang maluklok sa pinakamataas na posisyon sa katauhan nina Deputy Director General Benjamin Belarmino at Raul Castaneda, samantalang ang isa pang karibal ni Bartolome ay ang hepe ng Criminal and Investigation and Detection Group na si Director Samuel Pagdilao Jr.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply