Bastos at arogante pang teller ng PCSO sa Batangas

BASTOS at arogante, bukod pa sa sobrang ‘mataray’ kahit hindi kagandahan para magtataray itong isang teller ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa isang Lotto outlet sa Brgy. Bolbok, Batangas City.

Biruin ninyo, halos lahat ng mga kostumer ng lotto outlet na ‘yan ay binabastos at tinatarayan ng teller na kinilala lang sa kanyang pangalang Michelle.

Bastos at arogante kung makipag-usap daw sa mga kostumer ang teller na ito.

Hindi ko lang alam kung naturuan o hindi ng kanyang mga titser ng ‘good manners and right conduct’ang babaeng ito noong nag-aaral pa siya.

Sana naman, kahit papaano ay matutunan ng babaeng ito ang pagrespeto sa kanyang  kapwa.

Hoy babae, basahin mo ang reklamo s’yo sa text message na ito.

Gud am, Sir Johnny. Bakit po kaya pinapayagan ng PCSO ang mga tauhan ng lotto outlet, partikular na roon sa Brgy. Bolbok, Batangas City na maging bastos at arogante kung makipag-usap? Ubod pa ito ng taray sa pakikiharap sa mga kostumer.
Ang alam ko, ‘yan pong outlet, Sir Johnny, ay pag-aari ni Ronald Arandia. Ito po ba ang training mula sa PCSO? Thanks. Godbless.

INUTIL SI GOVERNOR SA SUGALAN

Hindi man lamang natinag kahit tinawagan na natin ng pansin si Bulacan Gov. Willy Alvarado ukol sa  mga peryahang kunwari’y mga laruan at libangan ng mga matatanda at kabataan pero ‘front’ ng sugalan.

Tuloy-tuloy pa rin ang operasyon ng peryahan na front ng iligal na pasugalan ni Jessica sa Brgy. Tugatog, Meycauayan at Brgy. Tuktukan, Guiguinto (along Mc-Arthur Hiway) ng lalawigan ng Bulacan. Sa Brgy. Sto. Cristo (along Maharlika H-way) naman ay kay Lourdes Tomboy at isang alyas Leo.

Anomang reklamo o pu-na, i-text lang sa 0918927-4764, 09266719269 o i-email sa juandesabog-@yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply