Basurang plastic suliranin sa Laguna de Bay

PANGUNAHING problema ng lalawigan ng Laguna ang mga naglulutangang plastic na basura sa baybayin ng Laguna de Bay partikular na sa aplaya ng Calamba City.

Ayon kay Troy Lacsamana, head ng Task Force Plastics, nasa 300 boluntaryo ang nagtutulung-tulong para linisin ang mga nasabing kalat sa baybayin ng Laguna de Bay.

Sa kanilang talaan, umabot na sa 1,755 liters ng dumi ang kanilang nakuha at mahigit kalahati nito ay mga plastic bag.

Mahigit sa 14  na porsiyento naman ang cigarette butts, mga damit at basahan, habang mahigit sa 11 porsiyento ay mga nabubulok na basura.

Kaugnay nito, ganito rin ang problemang kinakaharap ng Manila Bay, sa Maynila.

Ang patuloy na pagbili at paggamit ng mga disposable na gamit na yari sa plastic ay hindi malayong masira nang tuuyan ang mga yamang tubig.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply