Batanes nilindol

NILINDOL ng may 5.1 magnitude ang ilang bahagi ng hilagang Luzon kagabi, Setyembre 1.

Base sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), natukoy ang epicenter nito sa layong 175 kilometro sa timog silangan ng Batan Island sa Batanes.

May lalim lamang umano itong isang kilometro kaya maituturing na mababaw.

Naramdaman ang nasabing lindol bandang 9:25 ng gabi ngunit wala namang napaulat na epekto sa mga mamamayan dahil sa gitna ng dagat ito natukoy.

Nabatid ng Phivolcs na tectonic in origin ito at bahagi lamang ng paggalaw ng east Luzon trench.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply