Batang dinukot sa Sibugay pinalaya na

PINALAYA na ng mga kidnapper ang isang batang lalaking dinukot noong nakaraang Marso sa Zamboanga Sibugay province sa Mindanao, ayon sa ulat ng pulisya Huwebes ng madaling araw (Setyembre 15).

Sinabi ni Western Mindanao police chief Director Felicisimo Khu na ang 9-anyos na biktima ay pinalaya dakong alas 2:40 a.m. sa isang bisinidad sa Zamboanga Sibugay.

Nang tanungin naman kung may ibinayad na ransom money ang pamilya ng biktima sa mga dumukot dito, sumagot si Khu na wala siyang detalye tungkol doon.

Sa inisyal na ulat, sinabi ni Khu na nakarating sa kanya na humingi sa pamilya ng biktima ang mga kidnapper ng P25 milyon pero nagkatawaran kaya naibaba na lamang ito sa P19 milyon.

Kakausapin pa niya ang mga magulang ng biktima para malaman kung nagbayad talaga sila ng ransom kapalit ng kalayaan ng kanilang anak.

Nagpalabas din aniya ang mga kidnapper ng isang video footages para patunayan sa mga magulang nito na buhay pa at malusog ang kanilang anak pero ito ay umiiyak.

Ipinakita rin sa iba pang video na nagbabasa ang biktima ng isang script na ikinasa ng mga kidnapper habang sa iba pa naman ay pinahawakan ito ng isang armalite rifle.

Sa kabila nito, sinabi ni Khu na kumikilos na ang kanyang mga tauhan para tugisin ang kidnap-for-ransom group na pinamumunuan ni Wahid Pingli, na kutob niyang may kaugnayan sa Abu Sayyaf.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply