Batangas bukas para sa ‘environment-friendly investor’

UPANG higit na mapalakas ang ekonomiya at magkaroon ng sapat na trabaho sa mga Batangueño, isusulong administrasyon ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto ang paghikayat ng mga foreign investor partikular ang mga multi-national na korporasyon sa lalawigan ng Batangas.

Ang pahayag na ito ay ipinaabot ni Recto sa mga kasapi ng Batangas Coastal Resource Management Foundation (BCRMF) at mga opisyal at manggagawa ng Kepco Ilijan Power Plant

Ang Kepco Ilijan Power Plant ang isa sa pinakamalaking planta ng kuryente sa bansa na miyembro ng BCRMF na binubuo ng mga stakeholders na nagsusulong na pangalagaan ang Batangas Bay at iba pang natural resources and marine environment sa lalawigan.

Ayon sa gobernadora, magiging madali sa mga investor ang pakikipagkalakalan at pakikipag uganayan sapagkat unang direktiba ng kanyang administrasyon ang pagiging “investor-friendly” ng lalawigan.

Patuloy ang pagtututok ng pamahalaang panlalawigan sa mga infrastructure project nito tulad ng pagsasa-ayos at pagbubukas ng mga bago at pangunahing lansangan na unang nagiging batayan ng mga mamumuhunan sa pagpapasok ng mga ito upang mag-negosyo.

Bukod sa investment at job creation na maihahatid ng mga kumpanya sa lalawigan, hiniling ni Recto na ipagpatuloy ng mga kasalukuyang mamumuhunan na kasapi ng BCRMF ang magandang programa nito na protektahan ang kapaligiran higit sa lahat ang baybayin ng lalawigan at gawing sustainable and eco-friendly environment ang mga pamayanan na nasasakupan ng mga planta.

Ipinaalala ng opisyal na bukas ang kanyang pamunuan sa pagkakaroon ng investors, hindi niya papayagan at pananagutin ang sinumang susuway sa itinakdang environment code ng lalawigan. Nilinaw nito na hindi dapat maging kabayaran o kasangkapan ang natural resources ng lalawigan kung
nais nilang mamuhunan o mag negosyo sa Batangas. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply