Batas vs human trafficking pinahihigpitan ng US ambassador

HINIKAYAT ngayon ni US Ambassador Harry Thomas na amiyendahan ang batas ng Pilipinas laban sa human trafficking.

Sa ginanap na talakayan na dinaluhan ng mga mahistrado ng Court of Appeals (CA) ay hinikayat ng ambassador ang mga mahistrado na maghain ng mga panukala sa mga mambabatas, na mas lalong maghihigpit pa sa batas laban sa human trafficking sa bansa.

Sinabi ni Thomas na bukod sa prosecution, mayroon pang dalawang dapat na maipatupad upang matagumpay na mapigilan ang human trafficking, ito ay ang prevention at protection.

Pinayuhan ni Thomas ang pamahalaan na huwag makuntento sa pagkakatanggal ng Pilipinas sa tier 2 watch list ng Amerika o listahan ng mga bansang talamak ang human trafficking bagkus ay lalo pang paigtingin ang batas kontra sa nasabing usapin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply